![]() |
| courtesy of google |
Ang coke float ay isang inumin na adik na adik ang karamihan ngayon, mapabata man, o hanggang sa mga matatandang uugod-ugod na..At dahil nasabe kong mga bata eh, pati fetus umiinom na ng ganito, charot. (Insert hehe here)
Ang coke float, bow ulit
Nabibili sa mcdonald's o sa mga desert kiosks nila na nagkakahalagang php25.00 lang. Php29.00 kung yung flavored. Php45.00 naman kung monster float ang gusto mo, ewan ko kung magkanu yung flavored na monster sized, bahala sila dyan.
pero hindi tayo iikot sa coke float na yan...,
iiikot tayo sa mga tao, yung may mata, buhok at ngipin....basta yun na yun (insert hehe ulit)
pati na rin siguro ang mga paraan ng pag-inom ng float....
Unahin na lang muna natin ang mga tao...
Heto na sila,
- The Once-in-A-Blue-Moon floater - Sila ang mga taong matapos bumili ng isang float, regular size man o flavored, eh matagal na panahon muna ang dapat lumipas bago sila muli bumili. Kung baga, hindi maxadong in-demand sa kanila yung ganito.
- The Special Orders - sila naman ang mga bumibili ng float, na marameng specification. Kung hindi man less ice, more ice cream. Or, more ice, less ice cream o kaya no coke at all, more ice, more ice cream, at ang worst... More coke, more ice, more ice cream, kapal ng muka nila teh.
- The Forever-Monster Floater - sila naman ang hindi maku2ntento kailanman sa isang regular sized float. Kailangan lage monster size, mga hindi matitinag talaga ang mga sikmura.
- The Survivor - Sila naman ang mga uri ng floaters na hindi magpapatinag makabili lang ng isang float, as in float lang. Regular size man o monster sized. Kahit ba ang pila sa mcdo eh nagsimula sa Alimall na umabot hanggang McKinley Hill, keribels lang, basta makabili ng float. Bumalik man si Ondoy, bibili pa rin sila.
- The SB's - Sila ang mga taong tinuturing frappuccino ang float nila. As if they bought it from Starbucks , maarte pa ang pagkakahawak infairness. Nakapilantik pa ang daliri take note, tapos ingat na ingat ang paghigop sa straw kung may lipstick man.
- The Frequent-Take-Outs - sila ang mga taong hindi nila iinumin ang mga float nila sa loob ng mcdo, kung hindi pra madala yung float sa labas or kung saan man sila magtungo, hinding-hindi nila iinumin yan ever sa loob ng mcdo, kailangan nasa labas sila.
- The Comboers - Sila ang bibili ng float na laging may kasamang chicha. Fries man o burger ang oorderin nila, pero kailangan tandem yun with a coke/flavored float.
- The Ever-Hater - Kailangan pa bang ipaliwanag? Basta sila ang ayaw sa float, kahit anong gawin mo, hinding-hindi sila bibili. Tanggalin mo man esophagus o ang larynx, hindi pa rin sila bibili.
Punta naman tayo sa paraan ng pag-inom ng float.
- No Touch - Tinititigan mo lang yung float hanggang sa matunaw lahat at magkahalo yung coke, water (from the ice) and melted ice cream. When it does, saka mo lang iinumin.
- Normal drinking - Kung paano mo higupin ang isang inumin sa isang straw, ganun yun ang normal.
- Ice Cream First - Ayaw ihalo ang ice cream sa coke, kailangang makain muna ang ice cream bago inumin.
- Halo-halo - Pagkabili mo palang eh hahaluin mo na lahat hanggang sa medyo magbrown yung coke, saka mo iinumin.
- Take-Out the Ice - Same process on number 4, pero bago mo inumin, aalisin mo yung ice para walang istorbo.
- Simutero - Hindi mo inaalis yung ice, para pagnaubos yung coke, may maiiwan na chocolate sa ilalalim. Kahit wala ng mahigop na coke, pipilitin mong makuha lahat ng chocolate wag lang masayang yung 25/45 mo. Kung ayaw man, aantayin mong hahaluin mo ng hahaluin yung ice para matunaw o may kumatas na tubig para madilute yung chocolate. If it does, masaya ka na.
- Simutero to the Bones - katulad nila ang number 6. Pero ang da best, kahit yung mga nasa gilid nung plastic cup eh sinisimot pa, kahit sa takip man o kaya sa straw, as in ingu2dngod tlga yung dila masimot lang yung coke float.
Wala na akong maisip eh, hehe
kung ako man ang tatanungin, ako ay isang Special-Order Floater at yung Simutero, hehe
ikaw, anong kalseng floater ka at panu ang paraan ng pag-inom mo nito?
:)
Tis,


20 comments:
Nung unang labas palang ng float (high school ata ako noon o elementary) hindi ko talaga siya trip,lalo na pag take out na tapos sobrang lusaw na ang lahat pero ngayon nasanay na rin ako kahit papaano at nagugustuhan ko na rin.
Tara Float!
iba pa rin ang san miguel beer palsen kaysa diyan,hehe....
mas prefer ko ang root beer float.. kung di ako nagkakamali, yon ang unang unang klase ng float na na introduce dito sa tin...although coke float is not bad... pwede na rin hehe, but still I prefer Frap haha
SB na tayo!
mas masarap to kesa sa jolibee
anways The Once-in-A-Blue-Moon floater ako ee di kasi ko nalabas layo pa nmn ng mcdo dito
haha the best coke float ng mcdo., hehe...
dati adiktus ako sa coke float, pati sa flavored float,....
pero mas feel ko na ang coffee float ng jabi :p
once in a blue moon ako hehehe
haha nice..
siguro The Once-in-A-Blue-Moon floater ako saka Ice Cream First
Mahilig ako sa coke at ice cream, pero pag coke float di ko masyadong trip. Or depende sa mood. :)
http://www.dekaphobe.com/
hahhahaha.. alam mo ang galing mo! ng dahil sa float e ang dami mo naisip iba't ibang classification ng tao! galing! lol!
parang #1 and #3 combination ko e hahaha.. not a coke drinker anymore! lol!
@Inong...ang unang float na natikman ko eh, A&W kaso nawala na lang sila ng parang bula haha, tara float! :))
@Arvin....may ganong float ba? hahaha
@Mar...oo tama, rootbeer ang naunang type ng float! haha, A&W yun sa pagkakatanda ko, hehe ayoko ng SB, walang wifi, hehe :))
@Mecoy...tama ka, mas okay toh kesa sa kabila hehe
@Jessica...it's better than the other fastfood chains copying it :))
@khantotantra....SB na lang! haha
@Bino....that's great! haha
@bluedreamer....haha great combination yan bro! :))
@Michymoo...kpag trip q lang din kaya ako nabili ng coke float hehe
@Gemma...haha naisip ko na lang yan nung minsa'y bumili ako ng float during my lunch break hehe... :))
palagay ko The Once-in-A-Blue-Moon floater ako tsaka Simutero. hehe
wala yung sagad to the bones mcfloater pati ice kinakain.. and thats me.. hahaha
@Richie...Now i know ahahhaa
@Kikomaxxx...and ur the only candidate for that! ahahaha :))
maraming calories and coke. marami din calories and ice cream. combining the two, super daming calories na.
=[ no to coke float
isa akong frequent takeout na simutero na paminsan minsan eh ice cream first pero madalas eh halo halo wahahaha =D
buti na lang may pix provided - yun pala itsura non. Scramble lang kasi ako. ^^
@Marvin...naks naman, super curious sa wieght! :))
@Jaid....isa isa lang! wag kang bwakaw! haha
@Ollie...weh maniwala ako sa yo, haha
What you drink is what you are.... Mcdo talaga... hehehehe!
@Mr. Tripster...eh maka milk tea ako eh hehehe
Post a Comment